8.06.2010

Sana.

Sana. Sana. Sana marami akong pera.
Para matulungan ko yung Tita ko at iba ko pang family.
Alam ko hindi naman sila gaanung nahihirapan, pero sana isa ako sa makaka tulong sa kanila, kapag di nila kayang lutasan ung poblema.

Sana may trabaho na ako ngayon para makatulong ung sweldo ko sa kanila.
Ngayon, wala akong kayang ibang gawin para sa kanila kundi suportahan at ipagdasal na wag na silang mahirapan.

Hindi ko sila kinakaawaan gusto ko lang hindi sila nahihirapan.

Sana nasa Pilipinas ako, para nabibili ko pa din sila ng pasalubong kapag uuwi ako ng bahay.

Pero atleast alam ko masaya sila ngayon, kahit ganito ang buhay. :>
Okay na muna sa akin 'to. =]

Kailangan kong mag aral at mag ipon ng maraming pera para sa kanila.
Alam ko madame ng nagsasabi nito. "Gusto ko ipagawa sila ng bahay at uwian ng madameng pagkain kapag madame na kong pera.", pero yan din ang gusto kong ibigay sa kanila.

Ayaw kong mangako sa kanila na maibibigay ko nga yan. Ito na lang muna sa ngayon. "Mangangako ako na magsisimula na ko ngayon". Mag aaral akong mabuti at maghahanap ng magandang trabaho. Pag nakamtam ko na yun, pwede na kong mangako. :>

Hintayin natin yung araw na iyon. :>

No comments:

Post a Comment