Hindi ko maalala basta may nakita na kong "breaking news" nito sa ABS-CBN. Naka live stream ako. May hostage taking nga daw sa Quirino Grandstand pero hindi ko pinansin, hindi ako mahilig sa balita, sasakit lang din kasi ulo ko sa mga balita ngayon. Mga hapon dito sa Spain, tapos sa facebook ko ang daming update about sa Hostage taking nga na nagaganap sa Pilipinas, nakumbinse akong manuod. Pagka panuod ko, hindi pala pinoy ang hostage kundi mga turista. Kinilabutan ako. At unang pumasok sa isip ko "Nakakahiya sa ibang bansa". Hindi niyo ko masisisi na hindi ko man lang naisip yung nanganganib yung buhay ng mga tao. Sa isang taon at ilang buwan ko dito sa ibang bansa, nalaman ko kung gaano nila minamaliit ang Pilipinas, ni hindi nga nila alam kung nasaan ito. Kaya masakit para sa akin, yung sarili kong bansa hindi ko man lang mapagtanggol. Di naman sa hindi mapagtanggol, kaso minsan kasi tama sila, ano nga ba naman ang mairereklamo mo kung tunay iyong mga nakikita nila? Kaya sobrang inis ko, nakita niyo naman sa video, español ang salita, ibig sabihin nga intl.broadcasting, tulad ng sabi sa balita. Nasabi ko sa sarili ko "Oh, ayan Carole kilala na Pilipinas, sa kalokohan". Pero napaisip din ako, pag nasa taas yung Pilipinas, bakit hindi nila magawang kilalanin.?
Gayunpaman, naniniwala ako sa Pilipinas, hindi ako nahiya nun, na gusto ko ng sabihin na hindi ako Pilipino, talagang HINDI ko gagawin iyon. Nahihiya ako siguro galit iyon, "ayan mababatikos na naman Pinas." yung ang pinaka masakit sa akin.
Salamat kay Lord, kasi natapos din ung bangungot na iyon, at madami akong natutunan.
Ito lang alam ko. Kilala ko ang sarili kong bansa, alam ko kung ano ang mga tao dun. Kahit na masaktan ako sa pangmamaliit nila sa Pinas, ako to, Pinoy ako, mananatili pa din akong tatayo.
Hindi ko kailangan ang opinyon ng taga ibang lugar. Pinoy lang sapat na. :>
Maiba naman tayo. Paano ka naman hindi magiging proud na Pilipino? Kung ganito yung mga tao dun.

Maria Venus Bayonito Raj
Fourth runner-up ng Ms.Universe. Napatunayan niya kung ANO ang nagagawa ng Pinoy. Congratulations. :)
*Kung mapapansin niyo hindi ako nag tag-lish. Title pa lang:Pinoy Ako, ang pinaka magagawa ko sa Pinas ngayon, mahalin,ipagmalaki at GAMITIN kung ano ang salita at ang kultura nito.
*Kung mapapansin niyo hindi ako nag tag-lish. Title pa lang:Pinoy Ako, ang pinaka magagawa ko sa Pinas ngayon, mahalin,ipagmalaki at GAMITIN kung ano ang salita at ang kultura nito.
No comments:
Post a Comment