8.06.2010

Hawak ko si Lolo Adriano Ramos.

Latest picture ng Lolo ko. Yabang diba? Naka salamin pa? :>

How I wish, nasa Pilipinas ako. Para mapasyal ko yung lolo ko habang andito pa siya sa mundo. Hindi ko sinasabi na iiwan niya na kami. Kaso matanda at mahina na siya ngayon.

"Everything is temporary." ika ko nga.

Kagabi nag iisip ako at hindi maka tulog. Maraming lumilipad sa isip ko, tulad na lang ..

Kung malapit lang ako sa kanya ngayon, ipapasyal ko siya sa pinaka malapit na lugar na maganda. Kahit pa akayin ko siya, okay lang sa akin.

Kung nasa tabi niya lang ako, susubuan ko siya kapag ayaw niya kumain.

Kukulitin ko siya, katulad ng dati kong gawa.

At kapag natuloy ang pamamasyal namin, pagagawan ko siya ng damit, tapos partner kami. Ang nakalagay sa harap .. "Hawak ko si Lolo", para sa akin. At yung sa kanya naman "Hawak ako ni Apo". Tapos lalagyan ko ng symbol/drawing sa likod na bata na may hawak na candy sa kaliwang niyang kamay at yung kanang kamay naman niya naka hawak sa lolo niya na may tungkod.
Sabay namin yun susuutin. :>

Papatayuin ko siya sa higaan niya kahit ayaw niya, tas lalabas kami para mahanginan siya. Sabay kaming bibili ng almusal namin.

Sana tatay, hintayin mo pa ko sa pagbalik ko. Isasayaw mo pa ko sa debut ko. :> Pagagawan pa kita ng t-shirt. Mamamasyal pa tayo.

Gusto ko makita mo pa kami ni Paul. Mataba na kami ngayon. Matatangkad na din. Kayang kaya ka na namin alalayan ngayon.

Tatay, kahit hindi mo kami nakaka usap o nakakalimutan mo na pangalan namin. Hindi kami magtatampo bagkus ipapaalala namin sa'yo araw araw kung sino kami. Hintayin mo lang kami.

Salamat dahil sa inyo ni nanay, dumating si Mama at pinanganak kami. =)

No comments:

Post a Comment