9.12.2010

Tik-tok.

Hindi ko alam bat andito ako. Hindi ko alam kung ano ginagawa ko. Hindi ko alam ang rason bat andito ako. Pero ito ako ngayon, nanatiling nagsusulat. Kahit wala akong alam. Ignorante ako. Minsan akala ko mas may alam ako sa'yo.Iyon pala mas tanga pa ko sa'yo. Mahirap akong maintindihan. Yun ang alam ko.

Bakit ba ko nag multiply? Ahaha Ni hindi ko nga alam para saan ito. Tanga ko nuh? [Alam ko yan, Matagal na] Ü

Let me introduce myself. Ehem. Mic check.

I'm Carole, 16 years old. I'm living in the city of ?? hindi ko alam. Ü Sa ngayon. Pero dati nasa Pilipinas ako, Buhay.Masaya.Kilala ang sarili.Maraming kaibigan.Kahit saan ako tumingin nandiyan mga nagmamahal sa akin.

But unfortunately, my mom sent me here. MASAYA, nung UNA. I learned new things. And i explored. Nope, exploded pala. [Wrong grammar, carole] Basta un na un. Hindi pa pala ko sumasabog. Inextend ko ang time ng pagsabog ko. Mahirap na, baka pati ung mga mahal ko, madamay.

''Makulit iyan, Masayahin''-sabi nila. Ganun pala nila ko kakilala. Hindi ko alam yun. Mga kaibigan ko lang nagturo sa akin nyan. Mas kilala nila ko, kesa sa sarili ko. Kasi minsan hindi ko maintindihan anu ba talaga ? bakit ba ? Para kong nadudumi kaso hindi success. Pero sa totoo lang, one time nalaman ko kung ano ba ako ? bakit ako nandito ? saan ako pupunta ?. Nasagot ko yan lahat. Dahil kasama ko ang mga tao na nagturo sa akin. In short, family and friends ko. Hindi kasama si God nuh?

Nga pala, hindi ako gaanung nagdadasal. Kapag matutulog lang sa gabi, baka kasi hindi na ako magising. Ü Ayaw ko pagpilitan sa sarili ko, matuto ng isang bagay na hindi naman gaanung bukal sa loob ku. Masama yun. Pero, ung mga tao na naniniwala sa kanya, nirerespeto ko at hinahangaan ko. Kasi ako hindi ko magawa. Nirerespeto ko si God. Kaya lang hindi kami close. Nakakalimutan ko din sya minsan. Pero marunong ako tumanaw ng utang na loob. Sa pagdadasal ko, Hindi ko nakakalimutan mag THANK YOU sa kanya.

Hindi ko siya kilala, Hindi ko pa siya nakikita, Ni hindi ko pa nga siya nakakausap.

Hindi kami close, pero marunong ako rumespeto.

Hindi ako religious, pero marunong akong mag dasal.

Hindi kasi ako yung tipo ng tao na.Dasal nga ng dasal,kulang naman sa gawa. Sorry nga ng sorry sa kanya,paulit ulit naman ginagawa. Marunong nga gumamit ng rosaryo,hindi naman rumerespeto. Ayaw ko sa lahat ng pasikat.

Okay, balik ule sa topic. Meron akong isang kapatid, mama at papa. Hindi kami open. Pero close kami. Ü Gulo nuh? Yun lang kasi alam kong pag describe ee. Mahal ko sila, hindi lang halata. Mahal ko mama ko, siya lang ang dahilan bat nanatili pa ko sa panget na lugar na ito. Mahal ko papa ko, kasi kahit hindi siya showy at hindi niya ako paborito. Alam kong mahalaga ako sa kanya. Mahal ko din yung ugok kong kapatid. Ewan ko. Masarap kasing makipag asaran at makipag talo sa kanya. Ayaw kong may umaaway sa mga mahal ko. Kaya yari kayo sa akin. Hindi ako matapang, palaban lang. Ayaw ko silang nasasaktan, pero ako yung nanakit. Nakakakonsensya nga minsan ee. Pero ganun talaga ko. Hindi ko din alam.

Yung iba ko pang pamilya. Ang Villanueva at Ramos. Mahal na mahal ko yung mga yun. Ang sabi ko nga, pag may umaway sa kanila.Lagot kayo sa akin.

Actually, nandidire ako sa word na ''mahal'' o yung mga tipong ''I love my family''. Eew kaya. Ang drama. Hindi lang talaga kasi ako showy. Pagdating sa kanila, mas gusto ko yung napapatunayan ko sa gawa.

Kaibigan? Iyan madame ako niyan. Mahal na mahal ko yung mga lokong yun. Minsan pa nga mas nauuna sila sa Family ko. Hindi ko din naman masasabi na mas close ako sa kanila. Pantay lang. Siguro lang kasi, isa sila sa dahilan. Bat ako ito si carole. Makulit. Palaging masaya. Pangalan nga pala ng grupo ko TM, hinde grupo. Kaibigan, kapatid. Wag nyu na alamin anu meaning. Ü Sabog yung mga yun. Pero mas sabog ako. Hindi sila ma drama. Pero alam kong mahal nila ko. Ü Magkakambal ugali namin, pagdating sa kalokohan. Puera sa mukha. Mas maganda ko. Este sila. Maloko sila.

Pagdating naman sa kanila. Showy ako. Lagi ko silang ginagawan ng tula. Tska lagi akong nag I-I love you sa kanila. Kung alam niyo lang gaanu sila kaimportante.

Ngayon, hindi ko na sila kasama. Hindi na din nila ko kasama. Pero alam ko sa sarili ko. Lagi lang sila nasa tabi ko. Kahit mahirap na sila ma contact. Hindi ko na din sila nagagawan ng tula. Minsan na lang. Tsaka paulit ulit na din naman sinasabi ko. Baka kasi nagsasawa na sila. Ako kasi hindi nagsasawa.

''Mahal ko sila. Ang oa naman kung sasabihin kong higit sa buhay ko. Mahal ko pamilya ko at mga kaibigan ko. Ng kapantay ng buhay ko.''

Mahilig ako kumain. Tumataba ako. Kaunti lang. Mahilig ako sa matamis. Ayaw ko ng maasim.Pinaka gusto ko pizza. Ay! mas gusto ko pala ung mga street foods. Specifically, isaw at kwek-kwek. Miss ko na nga yun ee. Sa ulam naman. chicken curry. Madalas ako ipagluto ng mga lola ko at tska mama ko nun. Lahat ata gusto ko, basta masarap. Wag lang gulay. ''Kaya ka sakitin ee''-sabi nila sa akin.

Mahilig ako sa movies. Pero hindi ako gaanu nakakapanuod ng latest ngaun. Adik din ako sa cartoons and animes. Kaso pili lang. For example, naruto, death note, sponge bob, detective conan, tora dora at marami pang iba. Ayaw ko ng boring. Lahat naman ata. Gusto ko ung mga unique stories. Tipong mamatay lahat ng cast. Hilig ko din magbasa ng libro. Bob ong. Idol !

Mahal ko ang musica. Mas gusto ko ang rock. Feeling ko kasi, mas malalim sila gumawa ng kanta. Kesa dun sa mga singer ng love songs.

At saka meron pa, simple lang ako. Makulit. Ewan ko kung masiyahin pa ko hanggang ngaun. Depende na lang sa mood.

Hanggang dito na lang. Matutulog na ko.

12:53am

*First entry ko sa multiply ko. :D

Kopyang kopya.



No comments:

Post a Comment