9.15.2010

I wish mama were here.

Gabi na dito, kailangan ng matulog dahil maaga pa pasok bukas. Naka tulog ako pero ito, kagigising lang at hindi na muling maka tulog. Nai-stress ako, ang gulo gulo ng utak ko. Ang sakit ng puso ko, gusto ko sana umiyak, kaso ayaw ko. EMO na naman ba ako for the whole year?

Sana talaga pinag isipan ko lahat pero at least LESSON LEARNED. Sabi ko din sa sarili ko, "First day pa lang, sumusuko ka na". Thankful pa pala dapat ako dun sa mga classmates ko last year, ngaun worst pa sa worst.

Iniisip ko lang din lahat ng pagod ng nanay ko sa libro na binili niya, tska ayaw kong maging weak sa harap ng kapatid ko, kailangan ako pampapalakas niya habang wala pa si Mama.

I realized din na gaano ka importante na ang magulang ay nasa tabi ng kanilang anak kapag ganitong first day para kahit masaya o nakaka badtrip man ito, nandiyan sila sa tabi mo. Wala man sila magagawa para ayusin ang araw mo, at least they are there to support their child and to cheer them up.

Mas naiintindihan ko na ngayon. Ganito ba talaga plano ni God? Siguro nga. Sabi ko nga sa kapatid ko, "I'll take it as a challenge", God ang galing mo talaga manubok ng tao pero salamat talaga dahil may natutunan ako. Ang swerte ko, first day pa lang may natutunan na ko, hindi nga lang sa mga ita-take kong subjects. but AT LEAST.

Kung wala lang akong pangarap ang tagal ko ng bumitaw.

Tignan na lang natin kung mali first impression ko.

Mukhang mapapadami BLOG ko ng kadramahan a.
Magiging EMOTERA na naman ba talaga ako?

A.B.A.N.G.A.N.

No comments:

Post a Comment