9.09.2010

L.Ö.V.Ë. ♥



Gusto ko makilala ang taong . .

Hindi romantic pero pinapa alam sa akin na mahal niya ako.
Iniisip ang pamilya at kaibigan.
Hindi relihoyoso pero marunong magdasal.
Mapagkumbaba at mapagbigay pero hindi uto-uto.
Marunong mag gitara.
Hindi lang sa umpisa magaling.
Corny para masaya.
Hindi kagwapuhan pero may dating.
Laging nag aalala sa akin.
Alam kung anong ugali ang mayroon ako.
May sariling diskarte at unique na pamamaraan para mapasaya ako.
Alam iyong simpleng bagay na makakapag paligaya sa akin.
Lalambingin ako pag bad mood ako.
Iki-kiss ako ng hindi ko alam.
Marunong magtago ng mga ala-ala namin(gamit) at lalung lalo na memories namin.
Palagi akong bibigyan ng love letter.
Pipilitin ako, kapag ayaw ko, sa sweet na paraan.
Reregaluhan ako palagi kahit simple at mumurahin na bagay lang, para mapangiti ako.
Kakampi sa kaibigan ko para asarin ako.
Titigan ako para ma concious ako, tapos sabay kaming tatawa.
Hahayaan akong ayusin buhok niya.
Magpapalambing sa akin, sa iba't ibang paraan.
Magseselos kapag may tinignan akong iba kahit siya lang naman.
Alam kapag nagpapansin ako sa kanya.
Alam kagad kapag nag gagalit galitan lang ako.
Marunong mag appreciate ng mga simple kong gawa. Takot kasi ako sa rejections.
Magpapa unawa at magpapalinaw ng isip ko, kapag gulong gulo na ako.
Yayakapin pa din ako kahit sabihin kong "Wag dito madaming tao"
Makikipag hiraman sa akin ng gamit.
May respeto sa akin at sa mga taong mahal ko.
May common sense at pag galang.
Masipag kasi tamad ako.
Mahal ang musika.
Isasama ako sa bawat plano ng yugto ng buhay niya.
Magpapakalma sa akin, kapag high blood na ako.
Loyal at may trust sa akin.
Trustworthy.
Seryoso pero marunong makipag lokohan.
Kapag monthsary/anniversary na namin, iaalay niya ang buong araw niya para sa akin.
Makikisakay sa isip batang AKO.
Open-minded.
Mapag pasensya.

Isasama ako sa bahay niya at sasabihin "Pa, Ma, Ate, Kuya. Mahal ko"
Lalaban na kasama ko, hanggang sa makakaya.
Kapag nabasa ito masasabing "AKO ITO" ah.



No comments:

Post a Comment