Nakaka miss mag tagalog. At dahil yung teacher ko sa lengua ay alam kung saan ang PHILIPPINES, at alam ang language duon [TAGALOG, ENGLISH]. Ito ang reward niya:
sasagutin ko ito ng tagalog.
ilang beses na akong tinamad pumasok, tinamad bumangon at tinamad makinig, pero lagi kong naiisip kung hindi ako matatapos, saan ako pupunta?
maaring tutulungan ako ng mga magulang at pamilya ko mabuhay, kapag dating ng araw dahil hindi ako natapos,pero hindi ba ako mahihiya, hindi makakaramdam ng pags
isisi? OO
ang dami kong pangarap pero aaminin ko hindi para sa akin yun. gusto ko magkaroon ng madaming pera, pero hindi para sa akin yun.
nang napunta ako dito, mas lumawak ang pang unawa ko sa salitang education.alam ko na dati, may idea na ako, pero kulang na lang yung tinatawag nilangexperiec
e o karanasan.
tama sila, hindi porke "EDUCATION", sa iskwelahan ka lang dapat matuto. angkaalaman,sa bahay pa lang, sa mga magulang mo, sa paligid mo, madami ka ng matutunan. kaya imposibleng HUNGHANG ka sa mundo na ito. isang malaking KALOKOHAN ang sabihin BOBO ka, lahat tayo'y nag aaral na lamang dahil hindi pa nasasagot kung alin ang nauna, ang ITLOG o ang MANOK.
meron ngang iba diyan, sobrang tatalino pero walang respeto sa kapwa nila. BAKIT KA PA MATALINO? WALA DIN KWENTA.
bobo ka, kung ang katalinuhan mo hindi mo ina apply sa maayos at mabuting paraan.
kung naiisipan mung tumambay na lang, itanung mo sa sarili mo "may nagawa na ba ko para sa mga taong bumuhay at sa mundong nagpa tira ng libre sa akin?"
kung meron na, ang yabang mo.
kung wala pa, bahala ka.
No comments:
Post a Comment